Palusot

Bata palang tayo, marunong na tayong magpalusot.  Naalala ko pa noong Prep palang ako, at halos paluin ako ng mga magulang ko dahil pinapasulat sa akin yung buong kanta ng Lupang Hinirang.  Hindi ko gaanong kabisado ang Lupang Hinirang noon, lalo pa't sa Saudi Arabia ako nag-aaral, at lahat ng batang kasama ko sa paaralan ay English ang wika. Kaya't ang pagkanta ng Lupang HInirang ay magagawa ko ng hindi pinag-iisipan. Ngunit kung ipaaalala mo sa akin, ay hirap na hirap ako. Kaya't pinipilit akong isulat ng buo ang pambansang awit na Lupang Hinirang, ay kung anu-anong palusot ang ginagawa ko, huwag ko lamang maisulat.   Kesyo kailangan ko ng maayos na papel, kesyo hindi natasahan yung lapis ko, hanggang sa kinuha ko ang magnetic pen drawing chenes upang doon isulat ang Lupang HInirang. 


Gayon din ang nangyayari ngayon sa anak ko. Pinapatulog ko na siya sa kuwarto niya, kaso umiiwas siya. Mayron daw siyang ipapakita sa akin. Meron daw siyang ibibigay. Makikinig lang siya sa pinapanood naming mag-asawa. Huwag daw kami mag-away (kasi naghaharutan kaming mag-asawa).  Wala daw yung kumot niya (pero bitbit niya ang dalawang kumot paglabas ng kuwarto). At marami pang iba. Hanggang pati sabi niya, wala daw siyang kausap at kayakap. Kaya't pumayag na kaming matulog siya sa kuwarto namin. Kahit na gising pa kami parehas at nanonood ng Warehouse 13. 


Ang mga bata nga naman talaga. Hanggang pagtanda, dala ang pagpapalusot. Oh well, eto, one-handed na ako mag type dahil nag papayakap ang anak ko.


So this for now, More for later.

Comments

Popular posts from this blog

The Real Challenges in Life

Talk About a Million Stress

Because I Can